Ang “Abkd” ni Pepe: Isang Pundamental na Pagsusuri sa Diwang Pang-Edukasyon ng Pambansang Bayani

Authors

  • Palmo R. Iya

Keywords:

asal, buháy na kurikulum, karapatan at kalayaan, dedikasyon at dunong, diwang pang-edukasyon

Abstract

Malaki ang pagpapahalaga ni Gat Jose P. Rizal sa edukasyon bilang susi sa pagbabago ng lipunan at sa pagkakamit ng kalayaan ng sambayanan. Litaw ito sa mga isinulat niyang mga tula, sanaysay, liham, at mga nobela. Layunin ng saliksik na ito na suriin ang diwang pang-edukasyon ng pambansang bayani sa paraang payak at pundamental gamit ang akronim na “ABKD†na kinakatawanan ng apat na mahahalagang konsepto: 1. A – para sa Asal ng mga mag-aaral, 2. B – para sa Buháy na kurikulum, 3. K – para sa Karapatan at Kalayaan at 4. D – para sa Dedikasyon at Dunong ng guro. Magsisilbing sandigan at balangkas ang apat na konseptong ito sa paglalatag at paghihimay ng diwang pang-edukasyon ng pambansang bayani na magmumula mismo sa kanyang mga piling akda at sa kanyang pagtatayo ng paaralan sa Talisay, Dapitan, Zamboanga del Norte sa Mindanao.

Downloads

Published

2021-10-01

How to Cite

Iya, P. R. (2021). Ang “Abkd” ni Pepe: Isang Pundamental na Pagsusuri sa Diwang Pang-Edukasyon ng Pambansang Bayani. ARADMAN: Multidisciplinary Research Journal, 1(1), 31–49. Retrieved from https://journal.evsu.edu.ph/index.php/amrj/article/view/245